Paksa: Si Bestfriend na na-fall in love sa kanyang kaibigang kapatid ang turingan.
Masaya magkaroon ng kaibigan, 'di ba? Lalo na kung lagi kayong magkasama. Nakakapag-share ng oras para sa isa't isa. May kakwentuhan, kakulitan, at karamay sa mga oras na kailangan mo rin sila. Masarap sa pakiramdam ay mayroong kaibigang ganyan. Iyon bang hindi ka pinapabayaan. Tinutulungan ka niya sa mga bagay na nahihirapan ka. At higit sa lahat ay pinoprotektahan ka niya sa mga bagay na alam niyangNasubukan mo na bang magkaroon ng kaibigang lalaki o babae na 'yon bang tinatawag na closed friend o bestfriend? Iyong kapatid na ba ang turingan ninyo sa isa't isa.
nakakasama sa'yo. Masarap sa pakiramdam lalo na 'pag magkasama kayong dalawa at walan gpakialam sa kung ano mang isipan ng iba. Dahil alam ninyong magkapatid lang talaga ang turingan ninyong dalawa. Sa bawat salita at kilos ay kayo lang nagkakaintindihan dahil kilala ninyo na ang isa't isa.
Pero paano kung pagdating ng isang araw, ang isa sa inyo ay na-fall in love na? O sabihin na nating na-fall in love si Bestriend sa'yo?Sa tanong na 'yan, biglang mapapahinto na lang ang mundo ko. Hindi naman sa may mundo talaga Kako literali. Kundi mapapahinto ako kagad sa ginagawa ko. Siyempre mag-iiba ang pakikitungo ko. Dahil isipin ko mang naging magkaibigan kami pero magbabago lang lahat at baka maging magka-ibigan na lang.
"Para sa akin mahirap umamin pero mas mahirap ang masaktan."
Nakakapanibago at nakakatakot.Kasi una sa lahat, nagkaroon kayo ng oras para sa isa't isa bilang magkaibigan. Pangalawa, kapag magiging kayo may posibilidad na magkaroon din ng kattapusan ang inyong relasyon. Pangatlo, baka kapag nawala na rin ang pagkaka-ibigan ay baka mawalang tuluyan na rin ang relasyon bilang pagkakaibigan.
At pang huling dahilan, kapag nawala ang pagkakaibigan, maaaring di na rin mangyayari ang unag dahilan kailanman. Ang Oras ninyo para sa isa't isa. Siyempre hahanap hanapin mo rin ang taong nakasama mo sa mga oras na masaya kayo.
Nakakalungkot isipin. Kahit pagkakaibigan lamang ay mawawala na rin.Tandaan: May kanya-kanya tayong pananaw sa buhay, kaya maaaring magkaiba din tayo ng reaksyon. Ang mga nakapahayag sa tekstong ito ay nakasaad lamang sa aking reaksyon. Maaaring hindi mo maintindihan at marahil hindi mo pa nararanasan sa ngayon pero malay mo baka balang araw at dahil dito maaari kang magkaroon ng basehan kung sakali. Maaaring ikaw na nagbasa ngayon ay naintindihan mo na rin at malamang nanggaling ka na sa sitwasyon na ganyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento